Isang pagpupugay po at pakikidalamhati sa pamilya po ng aking hinahangaan na isang sundalo, isang tunay na officer at gentleman na nakilala ko po nang panahon noong ako po ay nasa kasikatan ng aking pag-aartista. Ako po ay inimbitahan ng Viva Films na gumanap po bilang batang Lt Rodolfo Biazon. Naalala ko pa po ang panahon na yan sapagka’t nagkaroon po ng kaunting dramatic na eksena sa Viva dahil nang inalok nila ang pelikula, katatapos namin gawin ang Mistah, ito po ang isa sa pelikulang nagpakita ng kabayanihan ng ating mga kasundaluhan sa Mindanao. Noong dumating ako sa Viva, sinabi po nila istorya ni Gen Biazon. Ako po ay naurungan noong panahong yan dahil ako ay kabilang sa grupo ng aking leader na si Col Gregorio Honasan. Ako po noong panahong yan ay RAM kaya sabi ko po sa Viva, kay Boss Vic, baka di ko magawa ang pelikulang ito. Sabi niya magusap muna kayo ni General. Kailangang mag usap kayo, magharap kayo. Nagkaroon po kami ng pagkakataon na magkita. Doon ko po parang 6 feet tall yata, ako ay nanliit. Nang nakaharap ko siya baka pompyangin ako ng matanda na ito, ang laking tao po eh. Sabi niya ano ka ba iho? Habang nagkukuwento po ang ating ginagalang at mimamahal kong senador, parang naalala ko na para akong bata sa harap niya. Sabi niya ikaw ba iho artista ka ba o rebelde? Sabi ko artista po. Artista ka pala. Dapat paghusayan mo kung anong talino mo. Basahin mo itong script, tingnan mo, at nandito ako para pakinggan kung ano ang opinyon mo.
Binasa ko po, inantay niya ako. Ganoon po sa katulad ng inyong kwento napakakalmado niya pero nakakatakot po kasi nakatingin po talaga siya, di niya inaalis ang tingin niya habang binabasa ko po ang script. Nakita ko po doon pati po love story ng mahal ninyo, sa kalagitnaan ng labanan sa Mindanao ay nabuo ang kanilang love story. At may eksena doon na binobomba ang tunay ang sinabi ng aking Col Gregorio Honasan na hindi siya dumadapa kailanman sa laban. Lagi po siyang nakatayo.
Kaya po nagkaroon kami ng magandang pagakaintindihan at sinabi ko po sa kanya sige po gagawin ko ang pelkula. At naalala ko po pagtayo namin sa upuan nagsaludo ako sa kanya. Sabi ko Sir idol ko na po kayo ngayon. Hindi natapos doon ang usapan sapagka’t pagkaraan ng panahon na-wanted naman ako. Ako naman po ay napunta sa kabundukan ng Camarines Norte. Di ko po makalimutan yun nagpadala po siya ng feeler na kung gusto ko sumurrender ako sa kanya. Di ko po makalimutan yan. Sabi niya hindi kita papabayaan, walang makakasakit sa iyo. Di lang po natuloy ang pag-surrender ko sa kanya dahil inagaw na po ako ng Sariling Army ni Fidel, ang SAF noong panahon na yan, doon na po ako napa-surrender.
Ngayon po, hindi ako makapayag na hindi magsalita sa pulpitlo na ito sapagka’t magsasalita naman ako hindi bilang artista kundi isang Muslim. Alam nyo po sa labanan, napakahirap humanap ng opisyal na marunong gumalang sa kalaban, marunong magpakita ng compassion sa kalaban. Diyan po nakilala si Lt Rodolfo Biazon. Sa kainitan ng giyera sa Mindanao wala po akong kahit isang nabalitaan muna sa matatandang rebelde na nagkaroon ng pang-aabuso si Lt Rodolfo Biazon. Sinabi kong Lt sapagka’t yan ang kainitan ng labanan sa Mindanao, ang totoong labanan. Siya po ay nakipaglaban doon at wala pong ni isang kwento na siya ay may pinaslang, sinaktan, inabuso na mga kapatid na Muslim. Sapagka’t sa kanya po, tunay na nanaig ang officer and a gentleman. Katunayan sabi nga po ng mga matatandang mga Muslim na lumaban, para daw po siyang, noong panahon ng crusade may tinatawag na 2 matinding naglaban noong panahong yan, si Richard the Lionheart at (Salmuddin?). Siya po ay hinahambing ng mga Muslim kay Richard the Lionheart. Siya po ay hindi kailanman na tatawagin ng Muslim na kalaban. Siya po ay isang tunay na tumayo para ipaglaban ang Republika at di po paghiwalay-hiwalay ang PH.
Sana po tandaan po natin di ko po siya maipakilala sa inyo bilang isang mambabatas dahil di po kami nang-abot pero isang officer, isang sundalo. Sana mga mahal kong kasundaluhan, sundan natin ang kanyang halimbawa. Pwede po natin ganapan ang ating tungkulin nang may paggalang sa kalaban at kailanman hindi po siya makakalimutan dahil ang pagmamahal niya sa Inang Bayan ay nakikita ang anino ni Hen Luna, Hen Ricarrte, Hen Malvar at tunay na siya po ang kadiugtong ng Katipunan.
Tunay po ang sinabi ng ating ginagalang na Sen Franklin Drilon: Ang mga sundalong umedad kailanman ay hindi mamamatay. Sila ay maglalaho lamang at nagdiriwang sa kalangitan. Maraming salamat po..
Video: