
Namahagi ng tulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), katuwang si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla, sa mga nasalanta ng baha na dulot ng Bagyong Paeng sa Baguio City at sa Kalinga ngayong Sabado.
Sa Baguio City, nagbigay ang DSWD staff at mga kinatawan sa tanggapan ni Padilla ng P3,000 sa 389 na benepisyaryo. Nagbigay din sila ng bisikleta at ibang mga bagay na makatutulong sa mga residente.
Kasabay si Baguio City Mayor Benjamin Magalong sa team ni Padilla, na kinabibilangan ng kapatid ng senador na si Rommel.
Sa Kalinga naman, nagbigay ang team ni Padilla ng P3,000 sa 500 benepisyaryo, katuwang din ng DSWD, sa provincial astrodome sa kapitolyo sa Bulanao, Tabuk City.









