
Ako po ay muling tumatayo sa pulpitong ito. Una po ako ay bumabati sa ina ng kaliskasan, SLL, sa napakaganda po niyang talumpati. Katunayan, hindi po sana ako nagbabalak magsalita dito pero narinig ko ang aking pangalan siya po ay nagsalita, nasambit po niya na i-post ko, na gumawa ako ng paraan upang ang kanyang minumungkahi at kanyang mga panukala mailagay sa ating official account. Gusto ko pong ipaalam sa ating ina ng kalikasan at mahal na SLL, na matagal ko na pong inire-repost ang inyo pong mga post sapagka’t naniniwala po ako sa inyong mga adbokasiya. Naninwala ako sa lahat ng inyong sinabi.
Katunayan tayo po ay pinakamayaman na bansa kapag pinagusapan po natin ang ating kultura. Yan po ay may malaking katotohanan sapagka’t tayo po ay pagka, tayo bumalik pa ng mas malayo pa sapagka’t pag pinagusapan ang Austronesian languages, sa atin nag-umpisa yan, dito sila nag-embark sa ating palabras ng Asya. At yan makikita sa mga katulad ng sinabi ng ating mahal na senadora sa mga weave, sa mga habi na ginagawa ng ating mga katutubo, diyan po makikita talaga gano kayaman.
Katunayan mareresolba natin ang mga problema ng bayan katulad po ng pinagusapan namin ng tagapagtanggol ng kababaihan SRH pinagusapan namin paano masolusyunan ang maagang pagbubuntis ng mga kabataan, ito ay kung babalikan natin ang kultura natin talaga at isasabuhay ng ating kabataan ang kanilang kultura at tradisyon at malalaman nila sino talaga sila ay hindi tayo aabot sa ganitong klase ng moralidad.
Katunayan ang atin pong morality isa po yan sa pinagmamalaki na kultura ng ating lahi. Yan po ang kahalagahan nitong panukalang ito. Hindi lang sa usapin ng sining kundi sa usapin ng kultura ang ating mga paniniwala, ang pagiging konserbatibo. Yan po ang paniniwala ko na kapag itong An Act Strengthening the Conservation and Protection of Philippine Cultural Heritage and Cultural Mapping amending for the purpose RA 10066 otherwise known as the National Cultural Heritage Act of 2009, ito po ay daan natin upang tayo po ay tunay na makarating sa natis nating patutunguhan.
Katunayan ito po ang sinabi ng ating pambansang bayani napakaganda ng kanyang binanggit English lang ito: he who does not know how to look back to where he came from will never get to his destination. Napakalinaw po nito. Paalala sa ating lahat na dapat natin pagyajmainin kung saan tayo nagumpisa. Mahirap sabihin na ako ay Pilipino pero kung tinanong namin anong klase ang pagka-Pilipino mo, di niya po alam kung paano niya sasabihin.
Kaya ginoong pangulo ang hinihingi ko muli, ito yata ang pinakamagandang session na nangyari dito sa loob ng aking pamamalagi na 2 panukalang batas na may kinalaman sa ating mga kababayan unang una magsasaka pangalawa naman sa ating kultura. Kaya po ginoong pangulo, I love you very much.
Video: