SRP manifestation Portrayal of the Island of Jolo in Gerard Butler’s 2023 Movie Entitled “Plane”

Reputasyon po ng Inang Bayan ang pinaguusapan dito Ginoong Pangulo. Alam nyo po, pagka tayo pag pinaguusapan natin ang bayan natin at mga diprensya, ok lang yan kasi trabaho natin yan. Pero pagka ibang bansa na po ang bumabanat sa atin dapat di dapat tayo pumapayag. Katulad po may ganap po Ginoong Pangulo may isang pelikula na pinalabas, ang title ay “Plane,” ang bida dito si Gerard Butler. Ang istorya nito G. Pangulo, sila nag-crash sa Sulu, sa Jolo. Alam nyo po napakasakit kung…

Naidugtong ko po kasi dahil dito sa kanilang pelikula sinasabi ang ating awtoridad ay naduwag na sa mga rebelde. Di sila umaaksyon. Sinabi pa rito they went down somewhere in the Jolo Island cluster, run by separatists and militia. The Filipino armies weren’t there anymore.

Ginoong Pangulo hindi po dapat ito tanggapin. Sana po, nakikiusap po tayo sa ating MTRCB na sana po sa mga ganitong ganap kumakatok tayo sa opisina nila, di po dapat ito pinapalabas sa PH. DIto po dapat sa ating bansa pinagbabawal ito at kino-condemn po natin ito. Maraming salamat po Ginoong Pangulo.

Video: