
Marami po tayong isyung nahimay sa ilang oras na talakayan – 3.5 oras po. Ang atin pong hangad ay dumaloy nang mainam ang ating usapan hindi lamang po sa apat na sulok ng silid na ito; hindi lamang po sa bulwagan ng Mababang Kapulungan o sa Senado; hindi lamang po sa Maynila o dito sa Davao — dapat pong umabot ang ating panukala sa bawat tahanan ng pamilyang Pilipino.
Bibigyang diin ko lamang po: Bawat isa sa atin — pati na po ang ating kaapo-apuhan na hindi pa ipinapanganak —ay apektado sa panukalang ito, katulad ng sinabi ni Mr. John Tria (John Carlo Tria, president, Davao Chamber of Commerce).
Ang ating Konstitusyon po, mga mahal kong kababayan, lahat na nanonood, hindi na po bago sa ating bansa. Ang Constitution ay inaamyenda at nagkakaroon ng rebisyon. Ito gusto ko pasinungalingan ang sinasabi po ng iba na itong gagawin nating rebisa at amyenda, ito raw po ay paglabag sa karapatan ninyo. Hindi po. Marami nang nangyaring ganito. Katunayan sa kasaysayan ng ating bansa naunang gumawa ng Constitution si Andres Bonifacio. At pagkatapos niyan gumawa ang Malolos Constitution ni Emilio Aguinaldo. Pagkatapos niyan noong dumating ang US ang Kongreso na ng US ang gumawa ng ating mga batas hanggang sila po ay nagdesisyon na bigyan tayo ng karapatan para magkaroon ng independence at kaya po nagkaroon ng 1935 Constitution na pumunta na po yan. Yan ang nagkilala sa atin. Nagkaroon pa po ng Constitution ang mga Hapon nang sila narito, nagkaroon po sila ng Constitution at nang bumalik ang mga Amerikano bumalik tayo sa 1935 Constitution. Nang dumating ang panahon ng 1971 nagkaroon ng Concon.
Hindi po bago lahat na ito, pati pag-amyenda pati sa 1935 Constitution nagkaroon ng pag amyenda sa term limits. Itong 1987 Constitution bago dumating meron pang Freedom Constitution na ginawa para magbigay daan sa 1987 Constitution. Di po bago ito. Itong nangyayaring ito katulad ng sinabi kanina ni Mr. Julian Payne, kailangan sumasabay tayo sa agos ng panahon. Di tayo dapat maging lumot. In English, maging stagnant tayo, para tayong naghinto. Dapat tayo tuloy tuloy sumasabay sa takbo ng panahon.
Kaya mahal kong kababayan tulad ng sinabi ko kanina sa globalization na tayo ngayon. Masyado na tayong nahuhuli sa FDI. At katulad ng sinabi ni John Gaisano kailangan proteksyunan natin ang ating mga local na businessman. Natural. Di naman natin, pag sinabi natin papayagan natin ng foreigners dito di ibig sabihin magpapaalipin tayo uli. Di po ganoon, di yan kailan mangyayari pa na papayagan ng Pilipino lalo ng inyong lingkod at mambabatas sa Senado at HOR di papayag yan na tayo maging muling alipin ng dayuhan. Pinaguusapan lang natin tayo magbukas ng ekonomiya at pinto upang pumasok capital at pera at ginagawa yan ng lahat ng bansa sa ngayon.
Sa usapin kung concon o conass di natin kailangan pagtalunan yan ngayon. Ang mainam makumbinsi natin ang taumbayan na sila pumayag na magkaroon ng amyenda at rebisyon sa Constitution. Yan po ang dapat nating sinasagawa. Kung anong moda pagdedesisyunan na ng 2 kapulungan mataas o mababa.
Ang kailangan ngayon sa bawat ninyong tahanan sa tahanan na lang natin wag natin pangarapin pati kapitbahay, sa inyong tahanan na lang makumbinsi magkaroon ng amyenda ng Constitution ano man yan economic provision o anuman tanggalin na natin yan bahala ang Kongreso ninyo gumawa ng unless otherwise provided by law, ano man ho ang mapagusapan, ang mahalaga sa higit sa lahat, wag tayo magkamali na huli. Ano ang pagkakamali natin? Ang 1987 Constitution aminin natin o hindi ginawa ito sa usapin ng distrust. Nawalan ng pagtitiwala. Di ito ginawa dahil gusto natin talaga galing pa naman tayo sa reholusyon noon, aminin natin ang talagang Constitution na yan ang daming ginawa noon na sama ng loob. Produkto yan ng sama ng loob. Kailangan natin magkaroon ng Constitution na di na ginawa sa usapin ng sama ng loob kundi sa pagiisip ng darating na henerasyon na sinabi ni Sir John Carlo Tria. Makinig po tayo mga kababayan sapagkat hanggang iniisip natin ang kanya kanyang political interest na katulad ng sinabi ni Justince Reynato Puno siya mismo nagsabi bago niya ginawa ang panukala niya na concon na hybrid sinabi niya bago doon, sana itong pagkakataong ito na nagtitiwala tayo sa ating pulitiko sana sa pagkakataong ito gawa tayo ng Constitution … na makakapagtubos sa atin na tunay na rule of law, rule of law ang masusunod. Hindi rule of influence, power and money.
Sana itong pagkakataong ito na tayo mapagbigyan ng taumbayan na maamyendahan natin ang Saligang Batas itong pagkakataon sanang ito umunlad na talaga tayo at sana sikmura ng bawat Pilipino e magkaroon na talaga ng laman at tayo makawala sa kahirapan at higit sa lahat magkaroon ng trabaho na tama ang sweldo. Yan lang pangarap natin. Di tayo tamad.
Di tama dang Pilipino. Ang gusto ng bawat Pilipino na tulad ng sinab ni Payne na nandoon sa Canada ang ating kababayan kasi doon may trabaho may sweldo. Di dapat tayo mabuhay nang ganito kahirap ang Pilipinas. Mga kababayan gumising na po kayo di na kayo dapat nagmamakaawa at nabubuhay sa utang sapagka’t ang Pilipinas ay mayaman at kailanman di tayo dapat mabuhay sa pagtitiis. Hindi tayo pinanganak di tayo nilikha ng Diyos para magtiis, tayo ay nilikha ng DIyos para sumaya.
Kaya sana sa pagkakataong ito, concon conass ano man yan, sana ang pagkakataong ito ang inyong hinalal at inyong ihahalal sa concon ay tunay na isipin na ang 80% ng ating mga kababayan na nabubuhay sa kahirapan.
Ngayon kung gusto po natin ng pagbabago, anuman ang paraan, ay ang mahalaga payag na kayo sa amyenda ng Constitution.
Muli, maraming salamat po sa ating bisita. Dahil diyan di ko pupuwedeng i-adjourn ito dahil marami pa kaming pupuntahan. Kami pupunta pa sa ibang lugar ng PH kaya ang pagdinig na ito pansamantalang sinususpindi.
Video: