SRP opening prayer at Senate session | March 15, 2023

Bismillaahir Rahmaanir Raheem
Qul aothu birabbi nnas
Maliki nnas
Ilahi nnas
Min sharril waswasil khannas
Allathee yuwaswisu fee sudoori nnas
Minal jinnati wannas

Sa ngalan ng nag-iisang Diyos, ang mapagpala at ang mahabagin,
Kami po ay nagpapakupkop sa Panginoon, ang mapagpala at mahabagin,
Ang hari ng mga nilikha at mga daigdig,
Ang nag-iisang Diyos ng sangkatauhan,
Laban sa bumubulong ng kasamaan
At lumalayo pagkatapos bumulong
Silang bumubulong ng kasamaan sa puso at isipan ng sangkatauhan
Sila ay mula sa mga jinn at tao na naghihikayat sa kasamaan.

O aming nag-iisang Diyos
Napakabigat po ng inatang po ninyo sa aming mga balikat
Bagamat hiningi po namin ang biyayang ito
na makapaglingkod sa bayan
Hindi po namin kakayanin ito kung walang hudyat na kapangyarihan galing po sa inyong kabanalan
Huwag nyo po pahintulutan na kami’y maligaw
sa paniniwala na kami po ang siyang makapangyarihan
Tanging sa iyo lamang po ang kapangyarihan
Upang kaming mga nahirang ay makatupad
sa aming sinumpaang tungkulin.
Maging maka-Diyos, makabayan, maka-kalikasan, at maka-kapwa tao.
Ameen.

Video: