
Mabuhay
Una sa lahat ako po ay buong puso na nagpapasalamat sa mga kababayan natin na naniniwala sa aking pag ibig sa Dios, Bayan, Kalikasan at Kapwa Tao.
Ako po at ang katipunan ay nagpupugay sa inyo.
Isinagawa ko po ang liham na ito upang maging maliwanag po sa inyo ang mga pangarap ko para sa Inangbayan at una na po dyan ang magkaroon ng pagbabago sa saligang batas, Economic Provision, Parliamentary, Evolving Federalism.
Wala po ang mga katangian na ito sa kasalukuyan na sistema ng Unitary Presidential Form of Government kayat hindi mo sumasaling sa aking isip ni sa pangarap at sa masamang panaginip ang maging Pangulo o Pangalawang Pangulo ng sistemang kasalukuyan.
Sapat na po sa akin ang pagiging inyong senador, Isa na po itong Napakalaking talon mula sa pagiging rebolusyonaryo patungo sa pagiging pulitiko.
Ako po ay naniniwala sa kakayahan at karanasan ni Vice President Inday Sara Duterte.
Siya po ang malinaw na nakikita ko na maaaring sumunod sa yapak na Tinatahak ng mga dumaan at kasalukuyan na Pangulo ng Pilipinas.
Kayat mula po sa aking puso, Una ang pasasalamat at pangalawa ay ang pakiusap sa mga tagasuporta at sa mga nangangasiwa ng mga ganitong pahayag at patimpalak na kung Maari ay wag na po akong makasama.
Mainam po na ang itulak natin ay ang mga tunay na may karanasan sa pagiging pinuno sa mundo ng pulitika
dahil kailanman ang inyo pong lingkod ay tagasunod lamang ng matapat at matapang na Pinuno na nakaguhit sa palad ang pagiging Pangulo ng Inangbayan Pilipinas.
Maraming salamat po, Mabuhay ang Rebolusyon