
SRP: Meron lang po akong gustong klaruhin sapagka’t noong napagusapan po natin ang patungkol sa Anti-Terrorism Law, ito ba ay applicable din sa mga dating sundalo? Sapagka’t mahal na tagapangulo, kung akin pong natatandaan, itong law na ito, ito po may kinalaman sa komunista at tinatawag nating mga terorista at mga extremist. E malinaw naman po na itong ating mga bayaning sundalo na naligaw ng landas, ito po ay mga nabigyan po ito ng tamang orientation, tamang ideology, tamang pagiisip, na naligaw? Di ba po dapat mas matindi ang parusa dito Mahal na Tagapangulo, dahil ito nanumpa sa taumbayan na sila magiging tagapagligtas, tagapagtanggol, at ito ay nakagawa ng krimen. Kasi ang pinaguusapan nating naligaw na landas na kababayang naging terorista, ito walang aral ang mga ito, ito nadoktrinahan ng masamang ideology, maling ideology. Malayong malayo doon sa nanumpa, nanumpa pa sa harap ng Panginoong DIyos at sa harap ng bayan, sa harap ng Pilipino na ikaw magiging tagapagtanggol. Di ba dapat Mahal na Tagapangulo na ito ang panahon para tayo makapagbigay ng tamang usapin sa DP? Ito po ba ay hindi pa panahon para ibalik na natin ang DP? Hindi na po ito, para sa akin ay anong klase ka bang tao na ikaw ay napunta pa sa ganito?
At kung natandaan ko may FB account ang 1 sa mga suspect sabi niya sana kung alam ko magkakaganoon buhay ko di na ako nagpakatino sa Marawi kasi isa ay Marawi hero. Anong ibig sabihin noon Mahal na Tagapangulo, ano bang nangyari sa Marawi? Ang daming binuksan dito na usapin. Kaya po sana, ako po ay nag-file ng bill Mahal na Tagapangulo patungkol dito. Imposing DP on the heinous crime of security personnel engaged to commit murder and providing penalties for any person who recruits, maintains, use aid fund or train security personnel to commit murder and for other purposes.
Mahal na Tagapangulo, siguro po sasang ayon kayo sa akin na isang taong pinagaral ng gobyerno, ginastusan ng taumbayan upang siya ay bigyan ng proteksyon ay gagamitin isang araw para magbigay ng isang krimen na gugulatin ang sambayanang Pilipinas at gagamitin niya ang training na ito. Maraming salamat po.
Sen Bato: I fully agree with you towards that policy direction, na bigyan ng mas mabigat na parusa ang ganyang klaseng mga tao. Just like pulis na involved sa drug trafficking. Trabaho ng pulis ay ihinto ang problema ng droga pero ginamit niya ang kanyang pwesto lalong lalo sa isang anti drug unit na assigned diyan para palakihin ang problema ng droga. So dapat sa akin diyan x2 or x3 ang kasalanan ng taong yan compared sa ordinary civilian. Ganoon din sa cite mo ngayon na isang sundalong trained ng govt binigyan ng special skills, napakagaling bumaril, napakagaling lumaban, tapos ang kanyang kagalingan sa pagbaril at pakipaglaban ay ginamit sa mga inosenteng civilian. So tama ang policy direction mo na binabanggit. I am with you kung mag-file ka ng measure towards that direction you can expect my full cooperation. I will support you. Maasahan mo SRP.
Video: