
Namahagi ng tulong si Senador Robinhood “Robin” C. Padilla at Bong Go nitong Biyernes sa nasalanta ng baha sa dalawang bahagi ng Mindanao nitong buwan.
Tumungo si Padilla at Go sa Sta. Maria sa Davao Occidental, at nagbigay ng P2,000 sa mga 2,500 na apektado ng pagbaha noong Nobyembre 16. Nagbigay din sila ng bola at bisikleta.
Kasama nila sina Sta. Maria Mayor Dinko Bautista at Vice Mayor Josephine Mariscal.
Pagkatapos nito ay tumungo si Padilla at Go sa Matanao sa Davao del Sur, kung saan nagbigay sila ng P3,000 sa 500 mahihirap na pamilyang benepisyaryo ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS). Nag-inspeksyon din sila sa lugar kung saan itatayo ang Super Health Center.
Kasama ni Padilla at Go sa Matanao sina Davao del Sur Vice Governor Lorna Bandigan; Matanao Mayor Vincent Fernandez at dating Vice Mayor Irick Agbon; at DUMPER party list Rep. Dendee Bautista.







