Nagbigay pugay si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla nitong Biyernes sa batikang tattoo artist na si Apo Whang-Od sa Kalinga.
“Isang karangalan po ang bisitahin at makasama kayo . Tutuparin po natin ang inyong mga kahilingan sa Buscalan,” ani Padilla.
Dagdag ni Padilla, ipinakita rin ni Apo Whang-Od sa kanya ang kagandahan ng Kalinga.
Si Whang-od Oggay ay itinuturing na huli at pinakamatandang mambabatok (traditional Kalinga tattooist). Bahagi siya ng Butbut ng Kalinga ethnic group.
