
Nakiisa si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla sa pagbigay pugay sa kababaihan sa International Women’s Day ngayong Miyerkules.
Sumabay si Padilla kay Sen. Risa Hontiveros na dumalo at kumanta sa pagtitipon sa Senado na nagbibigay ng karangalan sa mga kababaihan. Kanilang inawit ang “Awit ng Barkada” at “Salamat”
Bago nito, iginiit ni Padilla ang pagpapahalaga ng Islam at ng mga Muslim sa kababaihan sa pamamagitan ng karapatan sa edukasyon at hindi pagpilit sa Muslim na babae na pakasalan ang hindi nila mahal.
“At sa Islam din po pinapayagan po ang diborsyo. Ang diborsyo po ay proteksyon ng mga babae sa lalaking talipandas. At hindi natin maiiwasan na sa panahon ngayon napakaraming lalaking iresponsable, mga lalaking nananakit ng kanilang mga asawa at pati ng kanilang mga anak,” aniya.
Dagdag niya, itinuturo din ng Islam ang proteksyon ng mga kababaihan, kasama ang mga balo.
“Napakahalaga po sa Islam ng kababaihan. Mahal na mahal po ng Islam ang mga babae,” aniya.
Video: