Sa Pagpilit ng ICC na ‘Imbestigahan’ ang Anti-Drug War

Buo ang aking suporta sa pasya ng pamahalaan na mag-disengage sa International Criminal Court na hanggang ngayon ay namimilit na imbestigahan ang giyera kontra droga ng nakaraang administrasyon.

Malinaw ang sinabi ng ating Pangulo na walang hurisdiksyon ang ICC sa Pilipinas, at ng Solicitor General na ang Pilipinas ay walang legal o moral na obligasyong makipagtulungan sa ICC.

Nahihilo na yata ang ICC. Wala silang kapangyarihan para ipilit ang sarili nila sa soberenya ng Inang Bayan nating Pilipinas.