
Ang aking kanlungan ay ang nag-iisang DIyos laban sa sinumpang satanas
Sa ngalan ng nag-iisang Diyos, ang Pinakamapagpala, ang Pinakamaawain
Ang lahat ng papuri ay sa Diyos, Panginoon ng sandaigdigan
Ang Pinakamapagpala, ang Pinakamaawain
Ang tanging may kapangyarihan sa Araw ng Paghuhukom
Ikaw lamang ang aming sinasamba at Ikaw lamang ang hinihingan namin ng tulong
Patnubayan Mo kami sa wastong landas
Ang landas ng Iyong mga pinagpala at hindi sa landas ng mga naligaw
Aming Panginoon! Kami ay huwag ninyong parusahan kung kami ay makalimot o masadlak sa kamalian
Aming Panginoon! Huwag Ninyo kaming bigyan ng pasanin tulad ng Inyong iniatang sa mga nauna sa amin
Aming Panginoon! Huwag Ninyong iatang sa amin ang pasan na higit sa aming makakaya
Inyo kaming patawarin at pagkalooban ng awa
Kami po ay Inyong kahabagan
Kayo ang aming Tagapangalaga, Tagapagbantay, Tagapagtaguyod
Kami ay gawaran Ninyo ng tagumpay sa mga taong hindi naniniwala
Amen.
Video: