
SRP: Kanina po narinig ko binasa ninyo ang sinulat ng isang peryodista at nabanggit po niya kung sino ang mga matagal na ring naririnig na smuggler. Gusto ko lamang pong itanong sa BOC, meron na silang naisagawang imbestigasyon sa mga pangalan na ito?
BOC: Sa CIIB, when I asked for feedback they are conducting an investigation. We will submit to this committee ang resulta ng imbestigasyon
SRP: Kasi kanina nabanggit ni SCV na paulit-ulit na ang pangalan. Sana maisagawa ninyo ang imbestigasyon kaagad. Sapagka’t yan naman ang mensahe ng ito sa ating pagdinig, yang … na yan ang nagpapahirap sa ating magsasaka nagpapahirap sa trabaho ninyo at nagpapahirap din sa trabaho namin.
At gusto ko pong maitanong sa ating mahal na ginang tagapangulo, Maam SCV, pwede po ba natin maimbitahan ang mga pangalan na yan sa susunod na pagdinig, ang nabanggit ng peryodista, pati ang peryodista na sumulat pwede din natin maimbitahan din upang makapagbigay po siya ng salaysay kung papaano niyang napangalanan at mga tao?
SCV: Ang findings ng names, nag investigate ang Senate noong time ni SP Sotto. Yan ang lumabas eh. Nag-investigate din kami early on 2014, yan din lumabas. Paulit ulit e kaya minsan natatamad na ako sa imbestigasyon na yan paulit-ulit, yan ang lumabas na names… Friend nila, hindi natin friend friend na hindi friend ng Senado
SRP: Pwede natin ma-subpoena mga taong yan, may kakayahan po tayo?
SCV: We will see, we will see.
Video: