
Mahal na Ginoong Pangulo, ako po ay labis na naliligayahan katulad po ng naramdaman ni Sen APC sapagkat nandito po sa ating bulwagan ang kabuuan ng executive branch of government. Isa po itong napakagandang senyales sapagka’t tayo po ay naniniwala sa parliamentary form of government. At dito natin nakikita sa pangyayaring ito na ang executive ay nagiging parte ng legislative. Bagama’t sa ating form of government sa ngayon magkahiwalay yan, pero sa ganap na ito kitang kita po natin na ang executive ay nakikiisa sa legislative. Napakaganda po nitong senyales para sa inyong lingkod na namumuno ng committee ng rebisyon ng Saligang Batas.
Pangalawa, sa atin pong napakinggan na talumpati ng ating pinakamamahal na SP, ang atin pong ama ng Bangsamoro, Sen. Migz Zubiri, napakaganda po ng talumpati ni Sen. Migz Zubiri sapagka’t naging maliwanag po doon sa kanyang talumpati na napakahalaga ng foreign investment. At sa kanya pong slide naipakita po ang growth ng Vietnam at ng ibang mga bansa na nakapaligid sa atin na bukas ang FDI.
Ang akin pong pinupuntahan mga mahal kong kababayan, kung gusto nating magtagumpay ang RCEP ito ang tamang panahon dail alam po ng mga ekonomista na ang trade at investment ay magkapatid. Hindi po yan pwede paghiwalayin. Kaya po sana, sana, maintindihan po ng ating bulwagan ng ating mga kasama na sa kasalukuyan, sa ekonomiya ng mundo, ang PH ay pangatlo, pangatlo sa may pinakamahigpit na regulasyon pagdating sa foreign investment. At pagdating po sa tinatwag nila sa Asia Pacific economy, tayo po ay 13 sa 14. Nakakatawa mga kapatid. Kaya po sana ito pong pagkakataong ito na tayo nagsasama dito ang legislative at ang executive sana po sana po ang aking pakiusap pag dumating ang punto na paguusapan ang FDI ay ganoon din po ang mangyaring suporta. Maraming maraming salamat po mabuhay po kayo.
Video: