
Gusto ko lamang po din sundan ang pagsuporta po ng aking mga kasamang senador dito po sa binigay na talumpati ng ating magiting at dugo ng hari ng pelikulang Pilipino, SGP.
Mahal na Pajngulo, gusto ko lamang pong iparating po sa inyong atensyon ang isang bagay na nakalulungkot po sapagka’t nalirinig ko po kayo diyan mismo na inyo pong pinalalakas, pinagaganda, nakikiusap kayo sa media na pagandahin ang ating imahe. E nakakalungkot po na taga-gobyerno pa, kasama natin sa gobyerno ang siyang gumagawa ng ganito na nagbibigay po ng napakapangit na lalo na po pag pinagusapan ang airport o ports natin ibig sabihin masyado tayong nagiging maluwag sa mga ganitong usapin.
Katulad po ng sinabi nyo mahal na Ginoong Pangulo papaano ang mga criminal na malayang malaya na papasok at lalabas sa ating bansa, pagka inugnay natin po ito sa sinasabi nating gusto nating mag-attract ng negosyo, nakakasira po ito. Kaya sana po Ginoong Pangulo sa kapangyarihan ng Senado at sa pamumuno ni Sen dela Rosa pagdating sa kanyang committee nito, sana po talaga makakakita tayo katulad ng sinabi ng ating mahal na SLL makakita tayo ng ulong gugulong dito. Kasi lagi na lang po tayong nagkakaroon ng pagdinig pero wala pa po tayong nakikita talaga kung sino ba talaga. Sana po sa pagkakataong ito may talagang managot, may talagang maparusahan at makita po talaga nitong mga talipandas na taong ito na ginagamit ang ating mga nasa gobyerno at sinusuhulan, makita nila talaga kung ano ang tibay at tatag ng ating pagka Pilipino. Maraming salamat po.
Video: