SRP opening statement

Isa pong malaking karangalan para sa akin ang makasama po sa talakayan na ito sapagka’t tunay po ang sinabi sa talumpati ng ating Ginang Tagapangulo na balewala ang ipinaglaban ng ating mga pinuno na makuha ang ating kalayaan kung ang atin pong mga katutubo ay patuloy nating pababayaan.

Sa mga panahong ito hindi lang kultura ang ninakaw sa katutubo. Hindi lang lupa, hindi lang kayamanan, pati po ang kanilang buhay ay ninanakaw na rin ng kapwa nating Pilipino.
Kaya napakaganda po ng talakayan na ito upang atin pong buhayin muli kung ano po ang kayamanan at kultura na iniwan sa atin at hanggang sa ngayon ay inaalagaan po ng ating katutubong Pilipino.

Akin pong binabati an gating Ginang Tagapangulo na siya pong tunay na ina ng kultura at ina ng kalikasan.

Maraming salamat po.

Video: