SRP statement at hearing on NAIA Jan 1 glitch Jan. 12, 2023

Maswerte po kayo wala ang tigre at nandito lang ang kuting at ang ating Sen Raffy Tulfo wala kaya medyo hindi tayo maka… e walang magagawa, walang umaamin kung ano talaga ang nangyari. Pero gusto ko lang ipaalam sa inyo na 56,000 katao ang naistorbo po diyan sa nangyari noong Jan. 1. At hindi ko po naramdaman sa hearing na ito magmula 1:30 na may pagsisisi o may remorse. Wala ho. Hindi ko naramdaman yan. Nakakalungkot lang na wala tayong…

Hindi sana ganoon. Sana matuto na tayo sa gobyerno. Sana ho matuto tayong umamin kung meron tayong pagkakamali. Puro tayo ‘ganito gagawin natin, ganito gagawin natin.’ E may nangyari eh. Wala man lang kahit sino aamin? Haynaku. Maraming salamat po mahal na Gng Tagapangulo

SGP: Oo nga naman sa ibang bansa pag may ganyan mahihiya sila, sila na mismo bibitiw sa pwesto pero dito sa atin…

Video: