Ukol sa Panukalang Batas na Nagbibigay ng Dagdag na Benepisyo para sa mga Dating Pangulo

Sang-ayon po akong bigyan ng dagdag na benepisyo ang ating mga dating Pangulo, lalo na’t tuloy ang kanilang pagmamalasakit at pagtulong para sa bayan. Tiyak marami pang maiaambag ang ating mga dating Pangulo sa bayan, kahit tapos na ang kanilang termino.

Kung maaari kong dagdagan ang panukalang ito, dapat automatic na maging presidential adviser ang dating Pangulo, at bahala ang nakaupong Pangulo kung saan siya pwedeng gawing adviser.

Halimbawa kung si dating Pangulong Rodrigo Duterte, maaari siya sa law enforcement o sa foreign relations.